Saturday, September 16, 2017
Mga salot ng bayan
Bagong uring nilalang itong si Duterte: Sariling utang na loob sa mga Marcos, bayan ang pinagbabayad. Eto, lumabas na ang selyo para sa ika-100 birthday ng diktador at world-class kurakot. Request ni Bongbong yan, pati na yung gawan nang official proclamation ng Malacanang na gawing holiday ang 9/11 sa Ilocos Norte. Binaboy na yung Libingan ng mga Bayani (at ni Marcos), sinabuyan pa ng putik ang sagisag ng pangulo ng Pilipinas.
Ang daming nauto ni Duterte nung campaign period, dahil di niya binanggit na alipin siya ng mga Marcos, na kunsintidor siya sa mga Chinese na sumasakop sa teritoryo natin at, bilang tenk yu, ay nagpapadala ng sangkatutak ng shabu. Ba't di nagmumura itong buang sa mga tiga-Customs saka NBI na tumibag sa ebidensiya sa P6.4 billion drugs na nahuli? Ba't di niya ipa-salvage ang mga kasabwat ng mga Chinese dealers? Ang pinapatay na drug dealers ay karibal lang ba sa operations ni Paolo? "Pesteng yawa yang mga blahblahblah na iyan... Buang! (Tapos dirty finger)." Walang ganito? Tumulong ba ang China sa election mo? Ikaw ba ang Donald Trump ng Pilipinas at China ang Russia ng Asia?
Anyway, noong Martial Law ay nagtanim si Marcos ng mga crony sa iba't ibang position sa pamahalaan, lalo na sa Supreme Court. At namumunga na ngayon ang itinanim niya -- nakapuwesto na yung mga anak, apo, at kaibigan ng unang binhi. Natatandaan pa natin si Chief Justice Fernando, na pinapayungan pa ang First Lady noon sa Luneta Park -- symbolic protection ng SC sa Conjugal Dictatorship. Lumabas pa sa selyo yung si Chief Justice Fred Ruiz Castro noong 1981 -- pampasaya sa mama dahil ok namang ibenta niya ang lahat ng SC decisions in favor of Marcos family, friends, and cronies.
Isa sa itinanim ni Marcos noon sa Office of the Solicitor General ay ang magiting na si Estelito Mendoza, na ngayon ay uugud-ugod na pero may asim pa rin ang superpower para "ayusin" ang mga kaso sa SC. Noong 2000 ay nagdesisyon ang SC na guilty beyong reasonable doubt sina Hubert Webb at barkada sa pagpaslang kay Ginang Vizconde (49 years old, 13 stab wounds), anak na si Carmela (19, stabbed 17 times and raped), at ang busong si Jennifer, 6, 13 stab wounds. Nakulong naman ang mga anak-mayayaman (puwera yung dalawang nakapuga abroad), pero 15 years later nabalitaan ng biyudong si Lauro Vizconde na may nag-aareglo sa kaso. Di kalaunan nga bumaligtad ang SC at pinalaya ang mga salarin. Puwede palang mag-loop-the-loop ang "final" decision ng SC. At lumabas sa balita na nagpadala pala ng sulat si Mendoza sa SC at kinausap yung ibang justices. Sabi ni Lauro Vizconde: "Is there still anyone among you who doubts that there is rampant corruption in our government? Remember when I made the disclosure that someone is pressuring the justices to vote for a reversal? I did that hoping to make them have second thoughts about doing so. There is no justice in the Philippines. All of us who have cases in court, don’t we realize that if your opponent has money, brace yourself. Anyone can be paid!"
Alam ng lahat sa itaas (hindi sa langit; sa barandilyas ng mga may poder) na magmamarakulyo ang mga militante, maglalabas ng "We object in the strongest term possible" ang mga gustong sumakay sa issue, at pagkatapos ay... wala. Parang yung pag may namatay na superstar, dagsaan ang pagbigkas ng suporta, puro "I love you forever" sa harap ng CNN camera. Ang forever ay halos dalawang linggo ang haba, or less.
At nandiyan yung kasabihan "Sed lex, puta lex" na ang ibig sabihin ata eh "Tarantado ang batas, kung hindi ay hindi ito puwedeng bilhin" or something like that. Kung anak-pawis ka lang, huwag ka nang umangal.
Isa pa ring oldies ay si Atty. Oliver Lozano, na naunang nagpa-approve ng impeachment complaint laban kay VP Leny Robredo, na siyang balakid sa tambalang Duterte-Marcos. Si Lozano ay medyo tumanda na rin, pero sa hawi ng buhok at hilatsa ng mukha ay parang kambal siya ni lakay Ferdinand. Tulad ni Duterte at yumaong Duterte Sr., ultra Loyalist si Lozano. At baka PBB ni Bongbong?
At ang baligtaring si Rigoberto Tiglao, dating activist nung Martial Law, naging kakampi ni Gloria sa panahon ng biyaya, at ngayon ay masugid na tagapagtanggol ni Duterte. Di raw totoong may palit-ulo sa mga pamilya ng drug suspects. Parang wala ring EJKs, sabi ni VACC chief Dante Jimenez. Ibig sabihin ng VACC ay Volunteers Against Crime and Corruption. Dati ay galit si Jimenez sa mga kumakatay sa mga Vizconde at iba pang sangkot mararahas na krimen. Dati ay galit din siya sa mga kurakot at kotong (at mandaraya sa larong dyolens). Parang iba na ang ihip ng hangin ngayon. Nakakainggit ba ang mga suweldo at posisyon nina Mocha, Arnel Ignacio, Andanar at iba pang alipores? At ang dami pang binabayarang mga Marcos loyalists na nagtratrabaho para tumalsik si Robredo, Comelec chairman Andy Bautista, at SC Justice Sereno. Lahat ng sipag nina Alvarez at Koko Pimentel ay para maibalik sa puwesto ang bunga ni Marcos, si Bongbong na itinutulak sa lalamunan ng masa na bayani ang kurakot na ama.
Kahit anong denial ni Duterte, nakaamba na ang mga impeachment complaints kina Robredo, Bautista, Sereno, at kung puwede isali na rin si Ombudsman Conchita Carpio-Morales. Galing, ano? Indirect Martial Law. Tibag na ang Congress, nakopo na ang Senate, Supreme Court na lang at wala nang kokontra.
Ano ang magagawa ng taumbayan kung ayaw mangyari ito? Kung ok pa rin si Duterte sa kanila, eh di panalo na naman ang kabuktutan ng mga loyalists. Matigok man si Duterte mas mahaba naman ang buhay ni Bongbong. At pag naupo si Bongbong, ang magiging vice president ay ang Senate president. Ayan, Koko, puwede na namang ipakulong ang tatay mo, tulad ng ginawa ni lakay Marcos sa kanya noong 1972. Pero tingnan mo sino ang nasa likod mo, next in line sa iyo pag nawala ka -- walang iba kundi si Pantalon Alvarez. Away kayo, sige!
So, anti-corruption daw si Duterte, pero ayan ang Marcos stamp. Nakangiti pa. Isosoli na raw yung ninakaw ng mga Marcos sa bayan? Kasama ba yung gadambuhalang interest na kinita ng $10 billion, o bayaan na yan tutal blah blah blah bleh ..." Galit daw sa illegal drugs, pero kahit isang piyok walang marinig laban sa mga Chinese drug syndicates na ginagawang expressway ang Custom. Pero kung ang majority ng Pilipino ay nauuto mo pa rin, at kahit bastos, walang modo (familiar itong katangiang ito), at mamamatay-tao ang ilan, well, let's go to hell. I'm sure di ito ang lahi ng Pilipinong nasa isip ni Quezon nang sabihin niyang "I would rather have a country run like hell by Filipinos than a country run like heaven by the Americans, because however bad a Filipino government might be, we can always change it." (And I thank you.) Hindi niya kasi alam na iuutot ng kalikasan ang isang Marcos, at lalabas sa biyak ng kawayan ang makamaharlikang Duterte.
Subscribe to:
Posts (Atom)