Kikay (March 25, 2017) |
By Leena Calso
Ang bilis ng iyong pagpanaw.
Akala ko magsasama pa tayo ng ilang linggo, ilan pang araw.
Handa naman akong pakainin ka, painumin ng gamot, linisan, damayan.
Kanina,'yun na pala ang huli kong pagsuklay at paghimas sa 'yo.
Ang tanging kunswelo ko, di ka na naghirap. Nagwakas na ang iyong paglalayag.
Tahimik na ang gabi. Wala na ang kahol na gumugulantang sa akin para takbuhin ka, alamin ang dahilan ng iyong pag-iingay. Tahimik na rin si Chico na dati ay sumasabay sa iyong pagtahol.
Tahimik din sina Kit at Princess, ang mga naulila mong anak. Bukas kaya ay hahanapin ka?
Marahil alam din nila. Wala na ang kanilang ina.
Nagwawakas ang buhay.
Ako ay umaasa, sa kabilang ibayo, balang araw tayo ay magkikita.
Paalam, Kikay.
No comments:
Post a Comment