Ang Paraan sa Paglilibing sa Isang Magnanakaw by ISAGANI FUENTES |
Isang Peklat na Pahimakas
Aba, ginoong Marcos, ginulat mo kami!
Para kang magnanakaw sa dilim ng gabi --
Diretso sa hukay, kulang sa paalam,
Dagdag-bawas pati iyong pasiyam.
May nagmamarkulyo, di ka raw santo.
Okay lang kay Digong, bato rin ang puso.
Sasamahan ka hanggang impiyerno --
Sabihin kay Imelda, mag-LBC ng yelo.
Paalam, sundalong pulpol,
Tangna nyo, loyalistang ulol.
Kahit na marmol ang iyong puntod,
Lakay, pulutan ka ng uod.
***
Isang baku-bako at tulalang tula na isinilang matapos makita ang painting ni Isagani Fuentes. Salamat, Igan, sa permisong magamit ko ang iyong obra dito.

No comments:
Post a Comment