Cohen's book of poetry |
"Kilala mo si Leonard Cohen?" Ako, nagtatanong.
"Hinde. Evicted sa PBB?" Si Jojo, kaibigan, reality show aficionado.
"Aguy! Sikat siya sa US, at hindi tulad mong bopol!"
"The Biggest Loser? The Apprentice? Survivor? Clue naman huh."
"Sikat siyang songwriter. Patay na."
"Hindi survivor. Anong kanta niya ang alam ko?"
"Rubber Ducky. Kinanta ni Ernie sa Sesame Street."
"Oows? ♪ Rubber ducky, you're the one, you make bath time lots of fun. ♫ Goyo na ito. Ano talaga?"
"Superhit niya ang Hallelujah..."
"Kay Bamboo yan eh."
"Iba yung kay Bamboo. Madalas kantahin sa X-Factor at American Idol ang kay Cohen."
"Ahaha! ♫ I've heard there was a secret chord, that David played and it pleased the Lord, but you don't really care for music, do ya. Hallelujahhh...♫"
"O sige na, sige na. Tigil na ang atungal. Whoo! Sakit sa tenga."
"Masterpiece song yan, 'tol, yun bang magkahalong banal at Mike Hammer, yun bang kalahating anghel at kalahating Duterte."
"Pa'no namang lumiko sa pulitika itong hallelujah? Ba't satanic na naman si Digong?"
"Itinulak niyang mailibing si Marcos, at inaprub ng Supreme Court."
"Masama ba yun? Akala ko ba'y idol mo si Leni dahil maganda ang legs niya. (Sagwa ng political criteria mo, bro!) Pero yun nga, pag inilibing si Bongbong mawawala na ang election protest sa pagka-VP ni Leni."
"Hanep ang update mo sa current events, 'tol, galing pa rin sa Spidey comics. Si lakay Marcos ang ibabaon sa Libingan ng mga Bayani, hindi si junior, kaya nag-aalsa na naman ang mga activists -- Teka, di ka galit sa nangyayari?"
"Ba't ako magalit eh matatanggal na at last sa display case ang bwisit na yun. Alam mo bang ninakaw na pera ng mga bobotante ang pinambabayad sa unlimited aircon doon sa musoleo? May bandera pa ng Pilipinas, may seal pa ng president, tapos sinasamba pa rin sa halip na ibaon sa limot, may guwardiya pa 'kala mo bayani talagang put--"
"Ah, basta mawala lang sa balat ng lupa kahit saan ay puwede?"
"Oo naman. Kahit isama pa ang asawa't mga anak sa hukay mas maigi pa. Hindi ang desisyon ng mga bayarang mga impakto at impakta ng Supreme Court ang may timbang sa ganitong usapin."
"Gano'n? Eh ba't nagpuputok ang butsi ng mga aktibista at diyarista?"
"Ganyan naman lagi pag may TV kamera, laging may nagmamartsa, sumisigaw ng slogan, taas-kamao at kapit-bisig, habang ang mga talagang may kinalaman sa issue ay mahinahong nagmamasid at nag-iisip ng posibleng lunas sa latest na virus ng lipunan. Kung di tatanungin, di magtatawag nang pansin. Satur Ocampo. Bonifacio Ilagan. Pete Lacaba..."
"Kaya pala tahimik sina Cabinet secretary Jun Evasco, DSWD secretary Judy Taguiwalo, DAR secretary Rafael Mariano, NAPC chairperson Liza Maza at Labor Usec Joel Maglungsod--"
"Hep! Hep! Ibang kulay ang mga yan at malayo sa tulad nina Edjop, Eman, Lean, Tonyhil, at iba pa. Ang mga Liza Maza ng pesteng bayan na ito ay maingay at laging nagmamartsa noon, yun pala iba ang landas na tinatahak nila at ginagamit lang ang mga anak-pawis para makarating sa -- dyaran! -- mataas na puwestong may mataas na suweldo. At pinagsisilbihan pa sila ngayon nang sangkatutak na mababang paygrade na empleyado."
"Pisting yawa! Karmahin sana ang mga chameleon na yan! Ibig mong sabihin itong generation ng mga nagsusulat sa mga leaflets, diyaryo, campus papers -- yung we protest/condemn in the highest terms the libing-libing and hero-hero -- ay nakasilip ang isang mata sa Malakanyakanyang Palace?!"
"Tulad ng anumang sector ng sangkatauhan, ganyan ang majority -- body and soul for sale. Ang iilang tapat, matalino, at tunay na makabayan ay hindi dumaraan sa matinding tukso ng ginto at posisyon, dahil sila ang unang nadededo sa pakikibaka, at ang natitira ay ang mahihina at tuso."
"Tindi mo namang humusga, 'tol. Wala ka nang nakitang positive--"
"Sige nga, magturo ka ng tapat, matalino at tunay sa mga Pinoy sa panahon na ito."
"Eh di si PNoy, por eksampol."
"Hindi lang masamang presidente si Noynoy, masama ring tao -- walang malasakit, tamad, bobo, madakdak, kunsintidor sa pagnanakaw ng mga kabarkada, trapo, oligarch at pikon tulad ng ina, palpak, panot. Ang dami kong kilalang mas pangit sa kanya, pero may asawa sila, minsan may kabit pa. Ba't parang pinandidirihan ng babae yan?"
"Teka ha, punasan ko lang itong pawis ko sa batok, masyadong chili flavor ang banat mo kay Noynoy. Skip na natin si Erap, Gloria, at si Digong ha, mapupuno tayo ng synonyms at antonyms nito."
"Sige. Siguro naman narinig mo na yung sinabi ni Digong -- on live TV pa ha -- na sa Cabinet meeting daw ay tinitingnan niya ang legs ni Leni. May karibal ka na hehe!"
"Ay tanginang go to hell pakyu na Duterte yan ha, pasalamat siya at nasa Malaysia ang lintiang maotog na singkit na tigbalang na yan. Putsang-- "
"Relax, bro, joke na naman daw. O, ito pang isang panyo. Alam mo, bumabalandra sa isip ko yang si Digong kung naririnig ko itong kanta ni Cohen, itong part na ito:
♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫
Your faith was strong but you needed proof
You saw her bathing on the roof
Her beauty and the moonlight overthrew you
She tied you to a kitchen chair
She broke your throne, and she cut your hair
And from your lips she drew the Halleluja
Hallelujah, Hallelujah
Hallelujah, Hallelujah..."
♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫
"Thank you, tol. Alam mo, pag naririnig ko ang pagkanta mo, lumiliwanag ang pag-iisip ko at nakikita kong kahit malupit si Duterte hindi pa rin siya ang pinakamasama, kahit idagdag mo pa si Donald Trump, hindi pa rin."
"Eh sino?"
"Ang boses mo, 'tol, siya ang salarin. Halika ka na at magtanim na lang tayo ng bala doon sa libingan. Dagdagan natin ng shabu."
No comments:
Post a Comment