Putsa! Nagsisimula pa lang sa DZMM ang MMK kaninang ala-una at
inilalatag pa lang ang love story ni Rica Peralejo nang ibinulabog ng
newsbreak ang napakawalang-kwentang anunsiyo na nagdesisyon na ang Korte
Suprema na ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Eh di ilibing!
Alisin na sa eskaparateng aircon yang berdugong yan at ibaon na sa lupa.
Simulan ng ang Piging ng mga Uod.
Ewan ko ba bakit binibigyan ng
respeto ang mga putanginang mga hukom ng Korte Suprema ganyang halata
namang nasuhulan ang mga impakto (at dalawang impakta). Ngayong November 8
nagkunwang nagbotohan ang mga tarantado, pero kahapon pa ay kalat na ang
magiging desisyon, di nga lang sigurado kung walo o siyam ang lihis ang
wisyo sa kanila. Ngayon alam nating siyam na nga, at posibleng sampo,
kung di maipaliwanag nang mabuti nung isa bakit tumabla at nag-recuse
siya. Ang sigurado dito, kumita nang malaki ang ilan sa kanila at
inaareglo na nila ang pagtago ng hidden wealth mula sa BIR. Di sila
takot na malaman ito ng nga anak-pawis: Tingnan mo, nagwawagayway ang
maraming hakot na loyalists, ni hindi nila alam na ang ipinambayad sa
kanila ay matagal nang ninakaw sa kanilang ninuno.
At ang
oposisyon? Ha ha ha! Tingnan mo si Colmenares, kukumbinsihin daw niya si
Duterte na bumaligtad sa pagbigay ng dangal sa kapwa berdugong pangulo.
Hay naku, yan ang bayad ni Digong sa mga Marcos para dun sa solid na
boto ng mga panggalatok sa kanya nung election. Ginamit lang front si
Miriam para humatak ng boto para kay Bongbong. Ano pa ang sabi ni
Colmanares? Magmo-motion for reconsideration pa raw! Anong akala niya,
isosoli ng mga ganid na hukom yung ibinayad sa kanila? Itong kay Digong
talagang napaka-voluntary ng bayad niya sa mga among Marcos -- sa patay
na Marcos, sa matronang Marcos, sa mga anak ng Marcos na ewan lang ba't
magkadikit ang itaas at ibabang mga ngipin kung magsalita. Himod-Marcos
itong ating loyalist na panggulo ng bayan. Pero itong mga ganid at
dupang na mga hukom, laging gutom ang mga bank account ng mga
pinsang-buo ni Satanas na mga yan. Respect the rule of law daw.
Pwepwepwepweh!
Speaking of the devil, pag ililibing na ang
Marcos na yan, di ba aalisin na sa kanyang estante? Di ba mainit sa
labas kung wala nang aircon? At di ba mas mainit du'n sa pupuntahan
niyan? Anyway, bago sa final and sizzling destination niya ay
pararangalan muna siya ni Digong -- military honor bilang dating
presidenteng pinagnakawan ang mga kababayan na ang karamiha'y pati mga
sira-ulong anak at apo ay pumapalakpak pa; at bilang dating sundalo nung
World War II, na pinaghahanap ng mga Pilipinong gerilya para bitayin
dahil kasabwat pala ng mga Hapon. (Nasa record na pinatay ng mga gerilya
ang kanyang tatay noon dahil tauhan ito ng mga Hapon.) May 21-gun
salute pang pa-bon voyage sa kanya, sa halip na bala ng firing squad ng
mga gerilya noon. Anyway, kahit gaano pakintabin ni Duterte ang
seremonya, bandang huli ay ibabaon din ang Marcos na yan sa lupa -- wala
nang preservatives, wala nang eskaparate, wala nang freon -- kung saan
naghihintay ang mga barkadang uod para gawing pulutan si Mr. Maharlika.
Pero pupunta nga ba ang kaluluwa nito sa impiyerno? Assuming na hindi
halang ang nabanggit na kaluluwa at pumalaot nga sa Super Sauna sa
Ibaba, marahil ay dapat kumapit nang mahigpit itong si Bad Boy Lucifer
sa kanyang trono at baka isang nagliliyab na umaga ay magising siyang
iba na ang hari ng Hell 1081. Ang lakas pa namang mag-power extension ng
mamang iyan, kuwidaw ang octopus outlet.
Natatawa ako minsan sa
mga Marcos, kay Digong, kay Estelito at mga kalaro niyang mga hukom, sa
mga nagtitilamsikang mga loyalists -- nagplano, nagpondo,
nakipagbulungan, nag-buy and sell ng ilang kaluluwa, para makarating sa
araw na ito, na sabihing puwede nang itulos sa hahalayin nilang libingan
ang labi ng isang kung di lang engot ay dapat kampante na sa 24/7 na
air conditioned Funko Pop case niya. Doon ay mananatiling buo pa sana
ang kanyang katawang lupa at nakapustura pa. Pero ngayon, kahit
magpumiglas ka, dedong Marcos, mag-uusap ang iyong junior, at iyong
airhead na asawa, at iba pang alipores, para itakda kung kailan ka
i-e-evict diyan, at pababayaan ka nang maagnas, at maging lamang-tiyan
ng mga bulate. Weather-weather lang, ika nga: nung bata ka may bulate ka
sa tiyan; ngayon, ikaw ang nasa tiyan ng bulate.
Sinong may sabing walang hustisya sa lupa?