Painting by Fernando Amorsolo |
Mabait naman daw, sabi ng isang ale, kung di nakasumpong ang pagkamanyakis at pagkaberdugo. "Bilib it or nut," sabi ng ale, "yan ang susunod na panggulo ng Pilipinas. Dininig ang iyong panalangin, iha, na mawala na sa eksena ang autistic na si Abnoy!"
Mamumura ko ang mga pari at obispo sa diskarteng ito -- aalisin nga ang sinto-sinto, papalitan naman nang mas malala ang topak. Nung panggulo si Gloria inip na inip ako at gusto ko siyang mawalis sa upuan, by coup or by tiris, dahil siguradong wala nang mas grabe sa unanong ito. Kaya tuwang-tuwa ako nang parang sisiw na sumipot si Penoy. Nang nabistong kulang ang palito sa ulo ang buwakanangina, sabi ko, ang lupit ng tadhana sa Pilipins my Pilipins. Pero imposibleng may malala pa sa panot na ito. At -- tsaran! -- nasilip yung sipolpol na Dodirty raw ang pangalan. Change is coming daw! Pero naman naman! Anong klaseng sukli itong dumarating: Di pa nakaupo ang laki na nang ulo, arogante, bastos, bully sa hindi kayang lumaban. Siya ang tanging nilalang na dahil sa kanya nanaisin mong manalo ang mga drug lords para maasar lang siya. Mistulang banal mismo si Satanas kung ihambing sa matulis na ngusong manyakis na yun. Sasabihin ko sanang may problema ang mama kaya laging nakangising aso. Pero ano naman ang kasalanan ng aso para insultuhin ito?
Anyway, laging galit sa mundo itong mama kaya di mapakali, kamot nang kamot; ba't di kasi maligo para at least may masabing malinis sa kanyang nilalang kahit hindi ang utak. Laging hinihimas yung isang pisngi. Minsan parang sinasalo niya at baka malaglag at di na siya makasipol. Malaglag na nga sana!
Lahat ng tao may malalim na lihim, pero sa kilos, ugali, at OCD nito, huwag sanang mapinsalang lubos ang bansa sa halimaw na ito. Sige, pabahain niya ng dugo ng mga drug lords ang ating lupa; sige, magsabog siya ng binhi nang pagkasuklam sa mga ayaw sumunod sa kanya, pag-awayin niya ang mga Pilipino, pero putangina lang ang walang ganti. Kahit major-major na buwang itong uupo, marunong namang magbasa. Minsan, nung may pag-asa pang palitan ang turnilyo ng kukote nito 60 years ago, nabasa niya ang isang aklat -- na laging ring binabasa ng minura niyang si Pope Francis, mga pari, obispo, kasama na ang buong relihiyon na marahil di niya kinagisnan sa tahanan -- ang isang babala: Kung anong itinanim, siyang aanihin.
Harinawa. Putangina naman kung walang sukli.
No comments:
Post a Comment