Monday, June 6, 2016

Boss Joe

Joe Burgos, mas mainam pa sa mga panggulo ng Pilipinas
Boss, pinili namin ang putanginang Duterte dahil di ko alam na mas mahal niya ang mga Marcos kaysa sa mga tapat na mamamahayag na tulad mo, na sa panahong mapanganib ang isiwalat ang totoong kalagayan ng bansa, sa ilalim ng kamay na bakal, ay sinimulan mo na ang pagbaklas sa tanikalang sumisikil sa kalayaan at disenteng pagka-Pilipino. Ngayon ay nananaig ang paglait sa mga kapatid sa trabaho dahil pikon si Duterte at ginagawang ehemplo ang corrupt nating mga kasamahan para lagyan ng uling ang mga tapat, masigasig, at naghahayag lang ng kabulastugan nitong probinsiyanong lumaki na ang ulo hindi pa man nakaupo sa puwesto.

Pero relax ka lang diyan, Boss, dahil kung ang kaibigang Marcos ni Duterte, na berdugo rin, ay hindi inurungan ng mga tapat na journalists noon, ito pa kayang nagbabadyang bagong diktador. Killer nga pero tiyani bandang huli yan.


Parang di alam ni Duterte na maraming anyo ang corruption: hindi pera-pera lang, na inihahagis niya laban sa media; meron ding corruption ng moralidad -- kawalan nang galang sa magandang asal (buksan mo ang balita sa TV at maririnig ng mga bata sa bahay na nagmumura ang putanginang magiging panggulo ng bayan), kabastusan sa mga babae, pagmura sa pinatay na corrupt journalist (dahil kritiko niya sa Davao) at pinabayaan na lang yung pumatay kahit kilala niya. Hindi lang droga at pangungurakot ang salot sa bayan. Ang pag-unlad nang nga mamamayan sa disenteng lipunan ay ankla ng tunay na pag-ahon, hindi pagbaba sa imburnal ng buwang na Duterte.
Ang ganda ng mga sinasabing gagawin ni Duterte. Talagang hahanga ka pag naniwala kang malakas ang malasakit niya sa mga maralita, sa mga inaagrabyado, sa mga niyuyurak ng pamahalaan. Pero gising na ang ilan sa amin -- parang nakabasa kami ng We Forum sa panahong hanga pa ang karamihan sa pagbabagong pangako nitong Duterte, parang nung hanga pa ang mga magulang sa disiplinang idudulot daw ng Martial Law.


Ang We Forum ang naglatag ng daan para sa pamamahayag na tapat at kontra sa diktaturya, kaya nung pinatay si Ninoy, nag-usbungan ang mga ibang pahayagan -- Mr & Ms Special Edition na sa unang pahina ay lumantad ang litrato ng duguang mukha ni Ninoy. Pumalag din ang Malaya, kapatid ng We Forum; lumakas ang loob ng WHO at Business Day. Sa paglilitis ng 25 sundalong inakusahang pumatay kay Ninoy, inilunsad ng founder ng Mr & Ms Special Edition, Eugenia Apostol (at Editor Letty Magsanoc), ang weekly tabloid na Philippine Inquirer para ituon ang pansin ng mga tao sa pangyayari sa korte. Sa 1986 ang tabloid ay naging Philippine Daily Inquirer, na hanggang ngayon ay kinaasaran ng mga presidenteng gumagawa ng kabulastugan at nahahayag sa pahayagan at balita sa TV channels. Ang mga asar na presidente: Marcos na ipinasara halos lahat ng mga diyaryo at TV stations, puwera sa tatlong crony papers (Daily Express, Philippine Journal ni Kokoy Romualdez, at Manila Bulletin ni Emilio Lim); Cory Aquino, na tulad ng sinto-sintong anak na si Noynoy, ay pikon sa sa masamang balita kahit totoo; Gloria Arroyo; at ngayon, na tila susunod sa yabag ng matalik na kaibigang Marcos, Duterte, berdugo ng mga drug lords (okay lang) at berdugo ng pamamahayag na hindi sipsip sa kanya ngunit totoo.


Hanggang ngayon ay nawawala pa ang anak mong si Jonas, Boss. Dinampot siya ng militar ni Gloria at hanggang ngayon ay kasama sa libo-libong desaperidos ng Martial Law ni Marcos, na pinayagan ni Duterteng ilipat at bangkay sa Libingan ng Bayani. Ang marching order ni Duterte sa mga tauhan niya, tutukan ang kriminalidad at corruption. Gandang pakinggan, pero hindi tugma sa gawa. Gagawin niyang bayani ang isa sa pinakamalaking mamamatay-tao at mandarambong sa kasaysayan ng napakaabang bayan na ito.


Ang daming mabulaklak na pambobola ang iniitsa ni Duterte sa tulog na namang madla, kaya di napapansin, o ipinagtatanggol pa, ang lason ang kanyang mga gawain. At, tulad ng dati, binubugbog ang tagahatid ng masamang balita.


Pero kaya natin ito, Boss. Ano ba naman ang sangganong Duterte sa agos ng kasaysayan at katotohanan? Bullet day, Duterte -- Balang araw...

No comments: