Wednesday, March 16, 2016
Iterum
Nagpasyal si Michelle Buldit sa pinagtatrabuhuan ng kanyang pinsan na si Sogo. Hinagisan siya ng kaway-pagbati ng among si Pogi, na halatang malalim ang concentration.
"Aba at bakit nakadikit na naman ang malalaking mata ng boss mo sa HBO? Anong meron?" tanong ni Buldit kay Sogo.
"Aysus, parang di ka na sanay diyan, basta lumabas ang mga favorite movies niyan, hihinto sa trabaho at parang gustong ma-memorize ang bawat pixel ng pelikula. How to Train Your Dragon ngayon. Pangatlong araw na ulit na ito ha. "
"Hardcore talaga, no? Buti na lang mas konti ang pixels sa TV. Ilang beses na niyang napanood si Toothless?"
"Hmmm, 850 times more or less. Bumili ng Blu-Ray DVD sa Munoz yan nung bagong labas ang Dragon at -- nakupo! -- paulit-ulit-ulit-ulit-ulit. Huminto lang yan nung namaga na yung mga mata."
"Weird nerd talaga yang boss mo. Parang nung na-addict siya sa 1965 version ng Dr. Zhivago. Parang ihi na lang ang intermission niya."
"Hayyy, na in-love kay Lara. Inihahatid ko yung almusal, tanghalian, at hapunan noon. Yung snack niya kinain na ng pusa hindi pa napansin. Bumili siya ng book ni Pasternak para ma-memorize yung mga Lara poems ni Zhivago. Nasa kuwarto pa yung iprinint-out at pina-frame na poster ni Lara."
"Natandaan ko pa nang parang Ondoy ang galit nang malaman niyang di Oscar Best Picture pala ang Zhivago-- "
"Humupa lang yan nang sabihing The Sound of Music ang nakatalo sa Zhivago. Favorite din niya yung mga kanta sa Sound of Music, kahit liku-liko ang boses niyan -- You are sixteen going on seventeen... Haisst!. Saka boobsie rin si Julie Andrews, sabi niya."
"Julie Christie naman yung Lara. Siya yung may pouty lips na ginaya ata ni Angelina Jolie. Akala ko nga forever Lara fanboy na ang kumag na yan. Ba't parang natapilok ang love niya kay Lara?"
"Nabasag ang helmet nung makita niya si Julie Christie sa Troy, as nanay ni Brad Pitt. Mala-sitsaron na yung dating mala-sutlang kutis. Saka lumapad ang balakang, parang volleyball court. At puting bihon na yung slick blonde hair ni Julie."
"Grabeng manlait si Pogi, no?"
"Ganyan lang talaga yan, exact daw yung description niya, di exaggs. Tulad ng nickname niya sa iyong Buldit, haha!"
"Tawa ka pa riyan. Ba't kasi ang dami-daming mapansin ito pa ang nakita."
"Di ka raw boobsie eh. Magpa-deworm ka raw, para lumaki-laki ang spare parts mo."
"Spare parts! Ano ako, Sarao? Walang beep-beep kung makasagasa yang boss mo huh!"
"Hus, parang di ka pa nasanay diyan. Speaking of boobsie, naasar yan sa MTRCB nang nawala sa eksena ng Godfather yung naghubad si Apollonia sa wedding night niya kay Michael. Kaya-- "
"Bumili ng DVD sa suki niyang Muslim sa Munoz, yung libro sa Book Sale. Nahibang din siya sa film na yun. Let's see, 1972 lumabas yun at naging Best Picture. Huminto lang ang boss mo sa Godfather nang sumunod yung Part II. DVD na naman. Best Picture uli."
"Pero hate niya yung Godfather III. Parang tama naman, dahil walang nakuha kahit isang award ito. Yung Godfather I and II sumungkit ng combined 19 Oscars. Pinanood pa niyan ang mga You Tube interview kay direk Coppola, Mario Puzo at Marlon Brando tungkol sa storylines at mga in-the-making factoids."
"Kaya gusto rin niya yung pumping scene sa Schindler's List?
Itutuloy...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment