Monday, June 9, 2014

Putsang sinungaling



Bilang na ang araw niyo, peksman.

Puwede ba yun? Magsinungaling nang katakut-takot sa Senate floor, tapos hihirit nang napaka-korning kanta? At nandu'n pa yung kahanga-hangang family members; at least di dala ng kapatid ni Bong ang kanyang mjolnir na pang masahe niya sa likod ng mga kasambahay. Nakita ko rin si Congressman Lani: at last nakita kong live yung luhang buwaya. Lacoste tears, sa Ingles.

Si Enrile daw ang ultimate statesman. Puwedeng competent legislator at lawyer, pero hindi dakila ang Martial Law administrator ni Marcos -- libo-libong buhay ang nalagas noon. Yung mga smuggled na mga sasakyan sa Cagayan, di niya alam iyon? Yung illegal logging, di ba para sa mga posporo factory niya sa Pilipinas? Siya ang may-ari ng lahat ng palito sa bayan. Sinungaling ba siya? Nung nilulusob na siya (at Fidel Ramos) ng mga sundalo ni Marcos noong 1986, ipinagtapat niya sa Bombo Radyo na peke ang ambush na isina-zarzuela nila ni Marcos para mai-declare ang Martial Law. Tapos lumabas yung librong "Enrile," kung saan inihirit yung unang version: tinangka daw siyang patayin ng NPA. Yung libro, sa kanya yung intro o preface, pero ang buong laman ay baboy na Ingles ni Nelson Navarro. Ipinagmalaki pa! Kung dalawa ang version mo sa iisang incident, sinungaling ka. Magnanakaw ba siya? Nangurakot ba siya? Madadala ba niya ang loot sa pupuntahan niyang lugar na mainit?

Kasama sa mahabang Thank You list ni Revilla si Erap. Sanay makipaglaro sa mga journalists si Revilla, at tama siyang nalimutan na nang Alzheimeric na masa na noong 2001, nung pini-People Power 2 si Erap, aba, tinalikuran ni Senator Bong yung matalik niyang kaibigang si Unggoy, este Jinggoy, at pumunta sa Plaza Miranda at binanatan si Erap at sumang-ayon na dapat nang patalsikin ang sugarol at babaerong (look who's talking) presidente. Dahil dito ilang taon siyang di kinausap ni Jinggoy. Si Daboy (Rudy Fernandez) ata ang umayos sa dalawa eventually; pero kwidaw, showbiz bati lang yan: nasa political memory ng father and son ang pagka-oportunista nitong ex-Captain Barbell. Revilla, matagal nang pinanday yung bakal ng rehas na kasasadlakan mo.

Naki-relate by TY si Bong sa lahat ng kasama niya sa Senate, para may uto-impression na nasisira ang karangalan ng Senate dahil magnanakaw daw yung tatlo (so far). Kasama sa thank you si Gloria, na lagi daw niyang ipinagdarasal. (I assume pray siya sa God, number 1 sa Thank you list niya. Bong, kahit dumikit ka pa sa The One, halatang walang limit ang pagka-user mo.) Tapos TY sa Grace Poe, para maisingit niyang pinapayuhan siya ni FPJ noon. Nalimutan na ba nating ninakaw ni Gloria kay Da King ang presidency through Garci noong 2004? Inaasahan ni Bong na by 2016, may amnesia na naman tayo at hahabol siyang presidente sa partido ni GMA. Sa ngayon Thank You din kay Binay (at kay Nancy), achiever daw, na buburikihin niya sa likod sa Election 2016.

Message niya kay PeNoy? Huwag gawing tanging legacy ng administration niya ang pagkulong sa tatlong plundering senators. Huh? Ok lang kung iyon lang ang nagawa ng palpak na Aquinong ito; pero mas mainam kung may halong konting tiga-LP sa likod ng rehas, para masaya ang kosa. Kung sakali, Congrats, Jinggoy, second time around is sweeter (para sa taxpayers).

Message pa ni Bong, huwag daw watakin ni PeNoy ang bansa kundi pag-isahin. Sana nga, 'no? I-unite sa bilibid que opposition man o KKK man. Cosa Nostrang tunay. Sa likod ng lahat ng palabok ni Kap, ibig niyang sabihin kay Aquino at Leila Dilemma, "Oy, huwag ganyan ha. Serious na ito, may kulong-kulong na ito, hindi na biro yan. Oist! Ayusin na natin ito; let's make a deal."

Diyan nagising si Napoles, na malapit nang posasan uli ng pulis. "Aba, hindi lulusot si almighty Enrile!" kalabit ng brand new never-used niyang konsiyensiya. " Nakow, state witnness na po ako. Di na po ako astig (kahit pangit pa rin)."

Conclusion: Hayupaks kayong naglagay sa Senate sa mga magnanakaw at sinungaling at sintunadong crocodiles. Pami-pamilya pa at pakyawan kung magboto kayo sa mga Marcos, Binay, Abad, Agood (*jokes!*), Pacquiao, Reviilla, Estrada/Ejercito/Mayor Guia. Sa talaga lang, huwag makinig sa malanding Ping Lacson, na takot masira ang institution ng Congress. Tibagin na ang putang'nang pugad ng Representathieves. At huwag kalimutang ang kalaban ng mga kontrabida ay HINDI automatic na good guys. Sa away ng mga magnanakaw, lamang ngayon ang mga crony ni Aquino, pero darating ang araw na mabibisto rin ang mortal sins ng mga kabarkada, kabarilan at kaibigan

May araw din kayo, at ginagawa na ang kalendaryo.


No comments: