Monday, June 16, 2014

Unggoy

Privileged spits, June 11

Ayan, nagpatutsada na rin si Sen. Jinggoy. Obviously na-impress ang hunghang sa pakulo ni Revilla nung Lunes. Ewan ko lang, ilusyon ba ni Jinggoy na pag tumayo siya sa podium na pinanggalingan ni Revilla, siya ay makikita nating matangkad at makisig sa halip na punggok at mukhang Lego? Hebigat ang Ingles niya ha, akala mo may pinag-aralan siya at may modo; pero problema na yan nila ng ghostwriter niya.

Sa positive side naman, at least yung asawa ni Jinggoy ay hindi nag-Lani sa gallery na may punas-luhang effect. Isa pang positive eh... ah... Hindi siya mahiyain nung idakdak niya ang kanyang privileged spits.

Balik tayo sa katotohanan. Nagpaumanhin siya sa papa Erap at mama Loi niya dahil sa idinulot niyang stress at sakit ng ulo sa pamilya. Nangarap tuloy akong sumagot si Erap [slurred boses, parang lasheng]: "Alam mo, anak, deja vu ito, yung dawit ka na naman sa pangungupit, yung inihahanda na yung selda at warrant of arrest para sa iyo. Pero after six years ko sa kulungan, anak, huwag mo nang kaladkarin ang aking pangalan. Hanep, kinilabutan na nga ako nang i-thank you ako ni Bong, para akong tinamaan ng flashlight habang bumubungkal ako sa City Hall. Wish ko lang malimutan ni Manong Johnny ang pangalan ko kung gagaya siya sa inyo."

"Ako rin, anak," sabi ni ex-senador Loi, "dedma na lang muna. Di ba sabit din ako sa listahan ng mga whistleblowers? May ipagtatapat ako sa iyo, iho. Nung baby ka pa, nahulog ka sa kuna at bumagsak ka sa sahig, una ang ulo, kaya ang paglaki mo naging crosswise na lang, saka maraming brain molecules ang tumilapon; kakarampot na lang ang nabawi namin. Ganu'n pa man, kahit low IQs ka at arogante ay mother's love pa rin kita. Basta huwag mo na akong banggitin ha?" [End of imaginary dialogues bago tayo ma-cyber libel]

To be fair naman, aaminin kong lisya ang judgement ko nang tawagin kong unggoy si Jinggoy. Mali ang pagtimbang ko sa sitwasyon at maaaring injustice ang naging resulta. Kaya humihingi ako nang paumanhin: sana'y patawarin ako ng mga unggoy, na ni minsa'y di pumatol sa kaban ng bayan, di kapal-mukhang nagsinungaling sa milyon-milyong uto-utong botante, at lalong hindi kampon ng magulo at malikot na angkan. Mukhang unggoy lang ang profile pic ni Jinggoy, pero hindi niya taglay ang katinuan nila. Palagay ko mas safe ang taumbayan kung si Jinggoy ang nasa kulungan at ang unggoy ang nasa labas.

No comments: