3:21 a.m.
Actually ilang minuto na akong gising: di ko lang maimulat itong may muta ko pang mga mata kahit matagal nang nagdidiskurso itong kapitbahay naming matandang lalaki at mga bingi niyang mga bisita. Palagay ko malakas ang kunsiderasyon nitong kapitbahay naming ito, dahil napakalakas ng boses niya kung magkuwento o mag-eksplika, para siguro marinig ng mga bisita niyang barado ang tenga.
3:41
Nagbibiyaya din kaming kapitbahay sa napakatining na boses na sumasalpok sa aming bintana at sumesemplang sa aming dilat na dilat nang diwa. Sigurado din akong nagbibigay-daan din ang alaga niyang tuko, na tahimik ding nakikinig sa napakahalagang topic na di maipagpaliban at kailangang ihayag agad kahit madilim pa ang mundo at di pa tapos ang kunsiyerto ng mga kuliglig.
Magaspang ang boses nitong kapitbahay, parang may dahong is-is ang vocal cord kayo paos -- pero malakas! -- ang birit na mga kade-kadenang mga opinyon, thesis, synthesis, tsismis. Sa walo-siyam na taon kong paninirahan dito sa kabilang-bakod, di pa ako pinalad ng masulyapan ang mukha nitong love-thy-neighbor na ito. Kung ibabase sa halinghing ng boses niya, huhulaan kong mukhang kabayo ito; pero ayon sa volume ng boses, malamang mas malapit sa tigbalang ang hilatsa nito. Wala naman silang punong baleteng nakatanim sa malawak nilang hardin. Matamis ang bunga ng kanilang punong mangga, santol at chico, na pinipitas nina Melay at Neneng tuwing hapon. Minsan, pag sumusungkit sina Melay ng kamyas, may lalabas na matandang babae at hihingi ng konti sa bunga ng kanyang puno. Mabait itong ale at di ko naririning ang boses sa madaling araw: inubos na siguro ng asawa niya ang lahat ng topic.
4:13
Tahimik na. Tumalab na siguro ang beer at paralisado na ang dila ni lolo. Low-bat na si neighbor, nagrere-charge para sa susunod na kabanata ng lecture series niya. Meanwhile, greet ko muna si Lyrica at Rivotril na magko-concert para patulugin ako. Research ko bukas kung ika-ilang commandment yung Love thy neighbor at kung supplanted ito ng sixth commandment, at kung puwedeng i-repeal itong huli para naman mapalipad ko ang de-kalibre kong opinyon sa direkyon ng kapitbahay ko -- loud and clear din, 18 rounds, 9 mm.

1 comment:
A good neighbor is a priceless treasure. Its not easy to find a good one. You have to do alot of compromises to live with them.
Post a Comment