Friday, April 20, 2012

Mr. Moonlight, Spock, Beatles atbp

3:00 a.m.
Spock: Sleep long and proper
Ang galing. Saktong alas tres ka ngayon, Mr. Moonlight. Biblical ito. (Namputsang ba't di nung Holy Week ako ginising sa ganitong topak, este, topic? Anyway, whatever. Insomnia na nga, nagrereklamo pa.)

Anong oras namatay si Kristo? Siyempre ang response agad diyan eh alas tres.

Umaga o hapon? Konting kamot ng ulo, tapos makikita mo sa ngiti ng biktimang intervewee ang pagsindi ng lightbulb sa itaas ng ulo niya -- Ting! 

Hapon!

Are you sure? 

Oo naman, kaya alas tres inililibing ang mga tao ngayon, di ba?

3:15
Sabi ni Matthew sa New Testament, mga alas nuebe na nang gabi nang   marinig ang pagsamo ni Jesus mula sa krus: "Eli, Eli, lama sabachthani?" Ibig sabihin nito sa English: "My God, my God, why hast thou forsaken me?" At ilang saglit pa at pumanaw na si Jesus.

Ayan, kung gusto niyong sumunod, 9 p.m. kayo magpalibing -- sa dilim. Awooooh!

3:40
Imaginary conversation (Ganyan talaga sa insomnia, hahagilap ka sa hangin ng kausap):

"Ano ang lengguwahe ni Jesus? Yung "Eli, Eli, lama sabachthani?" -- anong salita yon?"

"Ayoko ko nga! Trick question na naman yan. Hindi pala alas tres namatay, di na lang sabihin agad. Dami pa namang inililibing nang alas tres hanggang ngayon. Hmmmp! Bumili ka ng kausap."

"Aysus, kasalanan ko ba kung dispalinghado ang hunghang na species natin - mali na lagi habang nabubuhay, mali pa rin hanggang huling hantungan. O sige na, anong language ni Jesus? Ibili kita ng ice cream pag nakuha mo ang sagot c'',) "

"E di Latin. Di ba nakasalin sa Latin ang mga Bible noon? Ayan! Double Dutch bilhin mo ha?"
"Pa'no yung mga Bible na Hebrew? Di ba Hebrew kung magbalitaktakan sina Moses at ang mga matitigas na ulong kasama niyang naligaw ng landas sa disyerto?"

"Oo nga, hehe. Hebrew! Yan ang sagot ko. Hebrew! Final answer!"

"Actually, parang Aramaic ang salita sa Nazareth. You know, Jesus of Nazareth. Aramaic ang salita sa Barangay Nazareno."

"Basta! Di ka pupunta sa langit."

4:22
Ah, langit, the Final Frontier, to boldly go where no man has gone before, this is the starship Enterprise... Buti pa ang mga santo, may promo ticket to Heaven agad, non-transferable (dahil baka ibenta? O makasalanang diwa! Magtika, magtika!)

Pag-akyat mo sa Stairway to Heaven sasalubungin ka ni St. Peter, yung may tandang. (Di kaya may Freudian association dito? Peter. Cock. Bad thought, erase! Erase!)

St. Peter: "Yes? May I help you?"

Spock: "Gatekeeper, any Klingon in there?"

St. Peter (tingin sa ledger): "Wala, meyn, puro santo lang nasa VIP lounge today, meyn. You know any santo?"

Spock: "I know a St. Paul..."

St. Peter: "Puwede. Merong St. Paul's Cathedral. Meron ding St. Paul College na puno ng magagandang college chix..."

Spock: "Then there's St. John..."

St. Peter: "Hmm... John the Baptist, check. Kakosang John of the Gospel, aprub. John and Marsha?!"

Spock: "St. George..."

St. Peter: "Let me see... Kasama ba rito yun? Dragonslayer... princess saver..."

Spock: "And St. Ringo?"

St. Peter: "Ay, anak ka ng Vulcan ka, matulog ka na nga!"

4:57
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz...


St. Paul, St. Ringo?!

No comments: