2:33 a.m.
Ano ito, bubot na insomnia? Sobrang aga naman, pati mga kuliglig eh inaantok pa. Binuksan ko kung sa'n ko huling naiwan ang You Can't Go Home Again, ang nobela ni Thomas Wolfe na di ko matapos-tapos. Pa'no super-analytical siya: huminga ka lang nang malalim, ilang paragraphs na ang observation niya tungkol diyan. Pag nangulangot ka pa -- nakuh! -- ididiskurso ang chemical composition nito, texture, historical and ethical significance, kung dapat mga ba bilugin muna bago pitikin o ialok muna sa sweetheart mo as keepsake. Masarap pasadahan yung mga kuro-kuro niya, pero nakaka-drain yung overload. Kung na-discover ko sana si Wolfe nung bata pa ako, three sitting lang tapos na ito. FYI: 576 pages ito, P95 kong nabili sa Book Sale, may mga kagat ng pusa sa gilid. Ok lang, cute naman at naglalambing lang ang mga baby ni Mau.
2:51
Isa sa mga heavyweight writers si Wolfe. Parang mas sikat yung una niyang obra, yungLook Homeward, Angel (na iniwan ko somewhere sa gitna). As usual, kung magaling ka at marami pang iaalay sa planetang ito, patay kang bata ka. 37 lang siya nung 1938 nang tinamaan ng miliary tuberculosis yung utak niya. Tsugi.
Itutuloy next insomnia...
No comments:
Post a Comment