Batman #608 |
Minsan... hindeeeh, madalas! -- bigla akong magigising bago bumuka si Liwayway, ika nga, dahil siniko na naman ang naghihilik kong imahinasyon ng mga basurang diwa na nawaglit kong itapon nung gising pa ako. Kaya ayan, alas tres ng saksakang dilim pang umaga eh kinakalabit ako, at di ako patutulugin muli hanggang di ko sinakyan itong bagong topak ng utak. Pipitik ako ng ilang letra at magsisimula ang biyahe. Kung saan-saan sesemplang ang diwang kadalasa'y di rin alam kung saan lalagapak. Eto ang resulta:
Pinasyalan ko nung Linggo si Mang Andy, o Congressman Ferdinand "Andy" Moño. (Siya ang nagturo sa akin na miyembro siya ng "hinayupaks" na House of Representathieves.) Dinatnan ko siyang hawak ang Batman comics, at tila malalim ang iniisip.
"Wow, Ninong, variant cover ng Hush #1 yan ah. Was di problem?"
"Ala lang, napakagara nireng pagka-drawing ni Jim Lee kay Batman -- nasa lugar lahat ang muscle, matipuno siya, tila intelihente pa. Di ko pa rin mawari bakit nasa labas ang brief niya."
"Hebigat nga ng problema mo, 'Nong. Tingnan mo, nakasinturon pa, para di malaglag ang brief. Suspension of the brief, nyehehe.."
"Diyan nakasalampak ang isip ko ngayon, iho, sa dyaskeng suspension of disbelief na iyan. Bakit tila ang buong Pilipinas ay nagbubulag-bulagan."
"I know what you mean, Ninong, ako rin na-shock sa desisyon ng mga judges-- "
"Mga hinayupak na hunghang, mga kusinerong tigaluto ng mapaklang desisyon, manghahabi ng buhanging nakakaduling, mga kilabot sa kotong, mga..."
"Easy, Ninong, easy. At least obvious pa rin, kahit binigay nila ang points kay Pacman, bumaba ang ranking niya ngayon, second to Mayweather na lang ngayon, according to Sports Illustrated. Pero sa Ring magazine..."
"Dyaske! Ala akong pakialam sa Pacman-Pacman na iyan, laging absent sa session, lagi kong nakikita sa sabungan, pumusta pa laban sa Texas ko, grrr... Tapos itong diyosa niyang si Gloria, at ang mga huwes na nasa bulsa ng tiniris na tiyanak, akala mo talagang kagalang-galang na di bulag sa taginting ng malaking lagay, akala mo birhen ang Constitution na ilang beses na nilang ginahasa..."
"Dami ngang pang-utong sound bites no, Ninong? Rule of Law. Nation of law, not of men. Extend due respect to a former president of the land. First Gentleman..."
"Pweh! Pweh! Pwehpwepwepwepwe! Dinuduraan ko ang duwendeng masiba sa pesos at poder, pati na ang asawa niyang mataba, isama mo na ang sagradong Constitution na ginagamit pala makatakas ang kutong-lupa at tulisang kamag-anak, para magmistulang tama ang mali. Kung paluluhurin ako ng ganitong batas para igalang ang mag-asawang mandarambong at bayaring appointees nila sa hukuman, susunugin ko sa harap nila ang nilapirot na Constitution. Ba't takot silang ma-contempt of court?! Malalim ang contempt ko sa tarandadong Supreme Court na yan. If this be contempt, make the most of it! Pweh! Pwepwepwepweh!..."
At diyan ko iiwan itong latest escapade ng imsoniac kong utak. PwepwepwePwehehe... Wish me sleep, fans.

No comments:
Post a Comment