Sunday, July 6, 2008

Sa Balcony ng Senado

Stamp pad na Congress? Matagal na, baybee!



“Ahem, Senator Revilla,” what is the knock-knock for today?”

“Ah… ah… Speaker Sotto, I think the implication of the delegation is the legislation of exhibition in television; furthermore…”

“?? Ah, Mr. Vice President – Erap! Pssst, hoy gising! Ano ba’ng sinasabi ng kumag na ito? Meron ba’ng gano’n?”

“Zzzzz… huh? Aba siyempre po. But for the record – pakiulit nga, Pareng Mon…”

“Itinatanong ko lang, pare, kung tumalbog sa takilya yung Captain Bawang, Kalaban Ng Aswang, at kung ibebenta na lang sa telebisyon. Ekskyus mi, Mr. Speaker, at napa-Inglis ako.”

“Is olrayt, pero bago natin pag-usapan ‘yan, medyo pasadahan muna natin yung pinagmitingan natin kahapon. Ah, Secretary Coseteng, ano ba’ng tinalakay natin kahapon?”

“’Yun pong ipinapasok na bill ni Sen. Webb: sa halip na tawagin pang Lower House at Upper House itong Senado ay gawin na lang Orchestra at Balcony.”

“Okey lang, basta tayong mga senador ang balcony at yung nga kongesmaniak ang sa orkestra; supporting role lang naman sila eh. Pumasa ba? Di ko natapos yung session kahapon dahil nag-teyping pa kami ng It Baluga.”

“Yes, sir. Pero under protest pa kay Rep. Roldan dahil wala raw siyang libreng pases. Speaking of protest, sir, ba’t naman awtomatik ako ang naging secretary dito?”

“Siyempre, dahil ikaw ay babae, das why. Pagkatapos nga pala nito eh ipagtimpla mo raw ng kape si Senator Orly at medyo napuyat kagabi doon sa talk show niya.”

“Sir naman! Eh ano po ang nangyari doon sa mungkahi kong baguhin ang ilang defective provisions sa Land Reform Bill nu’ng nakaraang lehislatura?”

“Ayan ka na naman, Senator Nikki. Malay namin diyan. Tinutularan mo na yata si Senator Angara na may pa-debt cap debt cap pa. Senador na eh nag-aahente pa ‘ata ng cap. Dapat iwan na niya sa mga titser ang pagbebenta niyan.”

“Ibang klaseng CAP naman ‘yun eh…”

“Ay, basta di naming naiintindihan ‘yan. Buti pa, itong mga importanteng isyu ang pagtuunan natin. Ah, Senator Revilla, sino ba’ng gumawa nu’ng script ng Captain Bawang?”

“Eh, freelance lang yung may gawa, Mr. Speaker, at isinumite lang sa Legal Films.”

“Legal Films? Baka Regal Films ang ibig mong sabihin –“

“Hindi po. Napag-alaman kong mga Chinese investors ang nagtatag nito, kaya sa halip na Regal eh naging Legal.”

Aba, mabuti naman at naisipan nilang mag-invest dito sa halip na sa ibang negosyo. Ang alam ko eh ang mga dayuhang nagpapasyal dito eh puro chicks lang ang puntirya.”

“Di lang sila nagka-intindihan nu’ng travel agent nila, sir. Mga chicks talaga ang hanap nila at sabi pa eh handa silang gumastos “where there is plenty elections.’ Eh, tiyempo naman at maghahalalan dito, kayo isinalpak sila sa Pinas nu’ng agency.”

“Ayun! Yung Legal nila, Regal natin; ito namang elections natin eh naging erec – hmm! Buti pa eh humanap na lang tayo ng ibang scipt, masyado nang korni itong ginagawa ni Pogi. Election… Erection – wakanga!”

Por da rekord: ang mga senador nu'ng 1992 ay sina (1)Vicente "Tito Sotto III (2) Ramon Revilla (3) Edgardo Angara (4) Ernesto Herrera (5) Alberto Romulo (6) Ernasto Maceda (7) Orlando "Orly" Mercado (8) Neptali Gonzales (9) Leticia Ramos Shahani (10) Heherson Alvarez (11) Blas Ople (12) Freddie Webb (13) Gloria Macapagal-Arroro (14) Teofosto Guingona Jr. (15) Santanina Rasul, (16) Jose Lina Jr. (17) Anna Dominique "Nikki" Coseteng (18) Arturo Tolentino (19) Raul Roco (20) Rodolfo Biazon (21) Wigberto Tañada (22) Francisco Tatad (23) John Osmeña (24) Agapito Aquino.

Bilib it or nat, naalala ko itong lumang piyesa (The Angeles Sun,1992) dahil kay Michael Jackson. Narinig ko yung “Remember The Time” at nagpatikwad-tikwad na itong topak-prone kong diwa, na nag-segue sa inutil na Senado – ngayon at noon – na puro showbiz lang ang hirit. Flashback!

No comments: