Monday, July 13, 2009

Kikay Magazine


At last! Lumabas na ang unang sipi ng Kikay Magazine. P500 lang dahil collector's item karaniwan lagi ang Vol. 1 No. 1 ng kahit anong publications ngayon. Kung hindi namin bebenta ito, magiging garbage collector's item pa rin.

Bakit Kikay?Kasi cute yang si Kikay nu'ng puppy pa lang (di ba?). Maliban pa sa mga kontrobersyal na tsismis tungkol kina Ellen at Marlin, na pinilit kong lumabas sa cover. (Sabi ko sa kanila: "Pano'ng bebenta ang magasin kung aso lang ang nasa takip? Pumayag din after binigyan ko ng load ang mga bruha.)

Isinama ko na rin sa Page 2 yung mga Hainaku ko kay Marlin. Alam n'yo yung Japanese 17-syllable poems? Well, iba sa haiku itong mga kalikot-diwang sumusuksok sa utak ko tuwing may insomnia ako. Hainaku ang bansag dahil pag di ka makatulog, mapapabuntung-hininga ka.

Por eksampol:


Hay naku! Wasak na naman ang tulog ko,

Parang lagi akong nilalaro.

Madilim ka lagi, aking umaga;

Katipan kita, mahal kong Insomnia.

At eto naman ang mga Text Poems ko kay Marlin tungkol sa kanya. Ipinadadala ko sa kanya bawat isa tuwing madaling-araw noon:


1.

Gabi na naman,

Bilog na ang buwan,

Lilipad na ako uli,

Hati ang katawan.

2.

Umaga na naman,

Wala na ang buwan.

“Marlin, sa’n mo dinala?”

Aba, Kuya! di ko kinuha.”


3.

Si Marlin nangungulangot,

Ay naku, nakakakilabot,

Kung anu-ano ang nasusungkit,

May bilog, may itim,

Cute pa raw yung maliliit.



4.

Ang kilikili ni Marlin,

Gustong paputiin;

Ibinabad sa suka,

Gumamit ng papaya,

Ayun, nag-amoy atsara.

Para sa mga pumatol sa magasin na ito, puwede rin kayong magpadala ng kulo ng inyong utak para (1) masaya, (2) magkaroon ng Vol. 2. Yun namang walang kakayahang sumulat, magpadala na lang ng P500 para tumanggap ng bago, malaki, matingkad, marubdob at brand new na "Thank you!"




No comments: