Namimilipit na ba kayo sa taas ng bayad sa kuryente, LPG at iba pang may kinalaman sa energy consumption? Kung gano'n basahin itong solusyon ni Anna -- sabay ilag! He he he...
========================================================
Fifty years after the end of WWII, the US Postal Service planned to include a picture of the Hiroshima bomb as a historic event in a souvenir sheet commemorating the end of the war. However, due to objections from Japan, followed by pressure from the White House, the design was replaced with a picture of President Truman announcing the end of war.
=========================================================
“Oy, oy, oy, Anna,” bunghalit ng MassCom titser ni Anna. “Ano’ng ibig sabihin nitong BNBNPP? Kung maglagay ka ng pamagat sa term paper mo parang knock-knock.”
“Ma’am naman. Iyan ang thesis ko sa energy problem: Biyaya Ng Bataan Nuclear Power Plant. Outline pa lang ‘yan, ma’am.”
“Naku, bata ka, kung magsulat ka parang di ka umiinom ng kape; di ka na ninerbiyos. Ayan at pumuputak na naman yang mga cause-oriented group at NGOs sa armageddon na idudulot niyang plantang iyan at sinasalungat mo pa. Sumapi ka na ba sa grupong BNPP na gustong makabalato sa kickback ng mga opisyales na gusto na namang buhayin yang planta?’
“Grupong BNPP? Ma'am, ha, bumabawi kayo. Pero sige, sirit na, ano ang BNPP mo?”
“Eh di Binayaran Na Peryodistang Palamunin. Kung anu-anong kahunghangan ang itinutulak nila para maduling ang taong-bayan sa depekto ng nuclear plant na ‘yan. At ikaw, Anna, ano namang biyaya ang ihihirit mo?’
“Eto, ma’am, namber wan, malulutas ng nuclear plant ang birth control isyu na pinagbabangayan lagi ng DOH at CBCP.”
“Kinakabahan ako sa kambyo ng utak mo, iha, pero sige, paki-ekspleyn lang kung ano ang connection ng DOH at CBCP sa nuclear plant sa Morong.”
“Beri simpol, ma’am. Kung matutunaw yung planta, automatic burado agad ang kalahati ng population natin, from 80 million to 40 million, at magiging warat na ang debate kung rhythm o rock-'n'-roll method ang mabisang birth control.”
“Ay wapen! Ba’t di ko naisip agad ‘yan. (Siguro dahil normal akong tao.) Eh ano naman itong pati poverty eh malulutas din ng BNPP?”
“Isipin mo, ma’am, karamihan sa mga Pinoy ay yagit. Ngayon, kung hahatiin mo ang population, di ba lalabas sa statistics na mas kokonti ang mga mahihirap ngayon kaysa noong hindi pa pinaaandar yung planta?”
“Aba , ang galing pala ng Westinghouse, hane? Ba’t di pa tayo magpagawa ng isa pang nuclear plant, diyan naman sa may Mt. Pinatubo , para wala nang pobre sa Pilipinas?”
“Oo nga, ma’am! Ang dami ko nang natutuhan talaga sa iyo! Mawawala na rin ang unemployment problem natin dahil magiging kaluluwa na lang ang mga walang trabaho rito. Kaya lang pati yung may trabaho matutunaw din. On the other hand, ang tinitingnan lang naman sa statistics eh yung unemployment rate, kaya tiyak gaganda ang figures ng NEDA diyan.”
“Heh! Nagbiro ako sinakyan mo na agad. Pero, according to your nakakahindik na thesis, bababa na rin yung crime rate dahil bababa na rin sa impiyerno ang mga criminal. For the same reason, mawawala na rin ang graft and corruption, prostitution, deforestation, pati na ang ating nation. Akalain mo nga ba namang pakyawan pala ang biyayang dulot ng nuclear meltdown, ano?”
“Yes, ma’am. Parang tutoo rin yung sinasabi ng mga backers niyang planta na makakatipid tayo sa kuryente. Imagine, pagputok niyang planta, yung hindi naging liquid metal sa atin eh hindi na kailangan ang Meralco at Napocor para magkailaw pa – dahil tayo na mismo, umiilaw! Yung mga taga-Bataan, ma’am, eh 100 watts siguro ang liwanag nila.”
“Ay, wa! Yung mga nasa Maynila 50 watts sila; at ikaw, Anna, dahil low-bat ka eh 25 watts ka lang. At ano naman ang karumal-dumal na mungkahi ng thesis mo?”
“Gawin nating industrial estate yung paligid ng nuclear power plant at diyan itayo ang mga pabrika at resthouse ng mga backer nitong BNPP, dahil iyon ay talagang lugar na pang-rest in peace, ‘ika nga. Kung gusto nilang piped-in music, siguro puwede yung Afterglow. Ano sa tingin niyo, ma’am?’
“Sa tingin ko’y radioactive na itong utak ko, iha. Haay, salamat at nag-bell na. Ano ba’ng susunod mong subject?”
“Psychology, ma’am. Si Dr. Hannibal Lecter ang professor ko. Ang galing-galing niya, ma’am! May thesis din ako para sa kanya!”
“Siyanga?! Naku, hindi lang pala ako ang suwerte sa araw na ito. Matutuwa sigurado iyon dahil magkakaintindihan kayo. Dali, puntahan mo at yayain mong mag-field trip sa BNPP.”
Stamp photos and caption from http://library.buffalo.edu/libraries/asl/exhibits/stamps/atomicbomb/
14 comments:
Pansamantalang nawala ang sakit ko habang binabasa ko ang lathalaing ito. HAHAHA!
Mainam naman pala ang thesis nitong si Anna maraming malulutas na social issues/problems.
Walang kagatol-gatol isang malinaw na sagot ito sa population, unemployment rate, 'di na pati kailangan ng NEDA na magduktor ng numero, deforestation, at iba pa.
Pero mas aabangan ko ang thesis ni Anna tungkol kay Dr. Hannibal Lecter. HOHOHO!
Hi, Papa!
Did you just write this? Wow!
You can be a scriptwriter for political short films :D Or for those campaign commercials hehehe.
Hi Yami & doter,
Marami pang kumukulo dito sa kukote ni bigote (moi) -- sana magka-oras akong maglaro uli.
William
Sir, gusto kong hiramin ito at ipost sa site ko. Syempre may credit sa'yo. Ipamamalita ko peborit mo kong reporter, hehe (hindi ba?) joke! Seriously, pwede ba kitang hiramin, este ang post na ito? Tenks! :D
Hi Yami,
Op kors! puwede mong gamitin ang mga piyesa dito; malking maitutulong mo sa akin, pero maraming matotopak sa biktima natin, hehe...
It's up already, sir. Tenks!
Ha Ha ha! ano ang nangyari kay Ana? Magpinsan ba si Irene at Ana? :D
Wala na si Anna sa mundong BNPP (baka kinuha ni Dr. Lecter), si Irene ang sub.
Kamusta ka na? ang dami ng bago sa site ko. pasyal ka naman sir. puro ka yata farmville sir eh. :D
Hi Yami,
Na-miss ko rin ang blog natin. Eto, nakabuo din ako after plowing and harvesting artichokes sa Farmville.
Mano kay Neri and teyk keyr.
My name is Sean Koon I was browsing internet and found your blog. The author did a great job. I will subscribe to your RSS feeds. Thank you for your contribution. I am a web designer myself. And here some examples of the websites that I designed for payday loan payday loans online company.
Good Day! Houston Martens . payday loans
toronto payday loans This website is optimal I enjoyed reading it a lot
AAA Toronto Payday Loans 1172 Bay St #101, Toronto, ON M5S 2B4 (416) 477-2817
I want to to thank you for this good read!! I absolutely loved every bit of it. I have got you saved as a favorite to check out new things you post… paypal login my account official site
Post a Comment